MMDA: Number coding scheme, suspendido sa Nobyembre 20

0

Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, Nobyembre 20.

Ito’y ayon sa Metro Manila Development Authority, kasunod ng inaasahang mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng isasagawang tigil-pasada ng grupong PISTON.

Nagpaalala naman ang MMDA sa publiko na planuhin ang kanilang biyahe at Kung hindi naman gaanong importante ang lakad, ay ipagpaliban muna ito.

Una nang sinabi ng grupong PISTON na aabot sa 100,000 driver at operator ang inaasahang lalahok sa tatlong araw na transport strike.

About Author

Exit mobile version