300,000 jeep nagbanta ng tigil pasada sa Lunes – Manibela 

Tuloy na sa Lunes, Oct. 16 ang banta ng grupong Manibela  na tigil pasada, kasunod ng pagsali ng kanilang 300,000 kasapi na sabay-sabay na hindi bibiyahe bilang pagtutol sa umano’y katiwalian sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program ng Department of Transportation (DOTr).

Nagdeklara na ng walang pasok at walang face to face classes sa Lunes ang ilang local government units (LGU) at paaralan na kung saan ay ipatutupad muna ang virtual learning.

Una nang sinabi ni Manibela chairperson Mar Valbuena na nasa  300,000 driver at operator ang kanilang kasapi na kung saan halos nasa kalahati ang nagkumpirma na magsasagawa ng nationwide  transport strike sa Lunes

Sinabi pa ng Manibela na ilang tsuper ng UV Express, taxis, at ride-hailing vehicles ay sasali rin sa magaganap na dalawang araw na tigil pasada,  Oct. 16 at 17.

Inaasahan na magaganap ang online classes sa mga maaapektuhang lugar dahil tiyak na walang masasakyan ang mga mag-aaral at guro na papasok sa kanilang paaralan.

Una nang nag-anunsyo na walang pasok sa Angeles City sa  Pampanga, Sta. Rosa, Laguna, De La Salle University Manila at UERM Memorial Medical Center sa Quezon City.

Nabatid na nais ng Manibela na suspindihin ang pagpapatupad ng DOTr ng jeepney modernization program at ang planong phase out ng mga traditional na public utility vehicle

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...