NCAP violation makikita na sa‘May Huli Ka’ website ng MMDA

KATUWANG ang Philippine National Police (PNP), inilunsad kaninang umaga ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ‘May Huli Ka’ web application, sa punong tanggapan nito sa Pasig City.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. “Don” Artes, layunin ng nasabing website app na ma-access ng mga motorista at malaman kung mayroong violations na na-capture ng mga surveillance CCTV camera sa ilalim ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) ng ahensiya.

Sinabi pa ni Artes na ang digital platform project na ito ay denisenyo sa ilalim ng Communications and Command Center bilang tugon ng ahensya sa mga panawagan na maging transparent ang pagpapatupad ng batas trapiko sa Kalakhang Maynila.

Idinagdag pa ng MMDA na maaari nang i-check ng mga motorista sa ‘mayhulika.mmda.gov.ph’ kung mayroon silang paglabag at malaman kung ano ang susunod na gagawin.

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, maliban sa mapapabilis ang proseso, mababawasan pa nito ang mga komprontasyon sa pagitan ng motorista at mga traffic enforcers at tinitiyak kung sino ang may pananagutan.

“Binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga motorista kaugnay sa kanilang mga karapatan at magiging susi ito sa pagkakaroon ng tiwala sa ating mga motorista at enforcers.

Batay sa nasabing website, apat na hakbang ang gagawin ng isang motorista kapag nais niyang malaman kung siya ay may paglabag.

Una, para malaman ang violation i-type ang plate number o conduction sticker number at MV file number sa search bar. Ikalawa, i-verify ito sa pamamagitan ng pag-request ng kopya gamit ang email at maaari rin itong matanggap sa Philpost.

Ikatlo, maaaring magbayad alinman sa MMDA head office o sa MMDA satellite office sa Robinson’s Galleria mall o kaya sa digital payment channels tulad ng Maya, Bayad app, iCash at Landbank LinkBizPortal.

Ikaapat, maaaring mag-file ng contest sa Traffic Adjudication Division (TAD) ng ahensya sa loob ng 10 araw mula nang matanggap ang Notice of Violation, kapag hindi sang-ayon ang isa sa nasabing paglabag.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...