₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na 680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal Police Station (Cainta MPS), madaling araw ng Hunyo 2, 2026.

Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr, provincial director ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO) ang mga nahuling suspek na sina alyas “Dan,” 33, alyas “John,” 29 at alyas “Ian,” 53 sa ikinasang operasyon sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Batay sa ulat, isinagawa ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Cainta MPS ang operasyon na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong sangkot umano sa bentahan at paggamit ng ilegal na droga sa nasabing lugar.

Nakumpiska ang siyam na piraso ng pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 100 gramo at narekober din ang isang pouch, marked-money, at perang hinihinalang mula sa ilegal na transaksyon.

Nasa custodial facility na ng Cainta MPS ang mga suspek habgn inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Nakakulong na mga senador puwedeng dumalo sa impeachment trial

MAAARI pa ring dumalo sa isasagawang impeachment trial ang sinumang senador na nakakulong dahil sa kinakaharap na mga kaso basta’t ito ay may pahintulot...