P5 sa bawat GCash transaction

0

LIMANG PISO?
Opo, ito ang ibabawas tuwing magka-cash-in ang bawat gumagamit ng GCash sa Bank
of the Philippine Islands (BPI) o Union Bank of the Philippines simula sa huling kwarter
ng taon.


Ayon kay GCash President and CEO Martha Sazon, ang P5 “convenience fee” ay
nananatili pa ring pinakamababang transaction charges, kaysa roon sa sinisingil ng
tradisyonal na bangko, na umaabot sa P25.


“As GCash continues to scale, we still subsidize most of the charges as well as heavily
invest on upgrading our infrastructure and reinforcing security services,” saad ni Sazon.


Nilinaw ni sazon kailangang gawin ito para matugunan ang tumataas na gastusin ng
kumpanya.


Hinikayat ni Sazon ang GCash customers na kwentahin kung magkano ang kanilang
gagastusin tuwing sila ay maglo-load ng account sa BPI o Union Bank. Halimbawa, ang
gumagamit ng GCash ay pwedeng minsanang mag-cash-in ng P10,000, sa halip na
magkakahiwalay na P500 para mabawasan ang P5 fee.

About Author

Show comments

Exit mobile version