GoTyme Bank: Walang convenience fee

0

LIBRE?
Opo, cash-in man o cash-out, walang anumang sinisingil na convenience fee ang
GoTyme Bank sa mga customer nito.


Ito ang rebelasyon ng isang bagong GoTyme Bank customer kamakailan.


“Hindi ako makapaniwala na ilang segundo lang, nakapaglipat ako ng cash sa isang
BDO savings account mula sa aking GoTyme Bank debit card.

At ang nakatutuwa pa rito, walang anumang convenience fee. Hindi kagaya sa GCash na kakaltasan ka ng P15 sa bawat katulad na transaction,” pahayag ng isang dating guro.
Samantala, umabot na sa mahigit isang milyon ang customers ng GoTyme Bank, ilang
buwan bago ang unang taong anibersaryo nito sa Oktubre.


Ayon sa isa pang customer, mas mabilis daw at walang anumang convenience fee
kung maglilipat ng cash mula sa GoTyme Bank debit card patungo sa partner banks.


Pwede ring mag-deposit o mag-withdraw sa kahit na saang sangay ng Robinson’s
supermarket sa buong bansa, “absolutely free!”.


Ang GoTyme Bank ay isang joint venture ng Tyme, isang multi-country digital banking
group, kasama ang Robinsons Bank, Robinsons Land Corporation, at Robinsons Retail
Holdings, Inc. ng Gokongwei Group.


Pinarangalan noong Hulyo ang GoTyme Bank bilang “Debit card initiative of the year”,
sa 18 th Banking and Finance Retail Banking Awards sa Singapore. Ito ay pagpapatunay
sa mahusay, innovative na serbisyo ng nasabing debit card, kaya ito kinilala dahil sa
pagkakaroon ng “the best rewards” sa buong Pilipinas.
Para sa iba pang detalye, puntahan ang https://www.gotyme.com.ph/media/news/

About Author

Show comments

Exit mobile version