₱1.56- na pekeng Nike shoes, kinumpiska ng Customs

0

KINUMPISKA ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) ang milyun-milyong pares ng Nike shoes na may halagang P1.56 bilyon, matapos ang pinaigting na crackdown laban sa mga pekeng produkto.

Hindi sinabi ng BoC kung saan at kung kailan ito isinagawa.


Sa isang opisyal na pahayag noong Martes, sinabi ng BoC na nakatanggap ito ng tip mula sa Nike Asia-Pacific Brand Protection Team tungkol sa kargamento ng pekeng Nike shoes at mga sports wear.


Sa isang pinagsamang operasyon ng BoC at pulisya, nakakumpiska ang mga nag-raid ng napakaraming Nike shoes na umaabot sa mahigit 2.2 milyong pares.


Ayon kay Customs Com. Bienvenido Rubio, patuloy nilang palalakasin ang kanilang operasyon para mapigil ang pamemeke ng mga sapatos at iba pang produkto at tiyaking maipatupad ang batas na nagbibigay proteksyon sa karapatang intelektuwal ng mga may-ari (ng trade-mark gaya ng Nike).

About Author

Show comments

Exit mobile version