Ph nurses na nagtapos sa SUCs: Balik-trabaho sa bansa

0

INIHAYAG ni Health Secretary Ted Herbosa na ang State College and Universities (SUCs) ang may sariling karapatang magdesisyon para ipatupad ang polisiya na “balik-trabaho (sa Pilipinas}” at sinabi niyang gagawin lang ito ng ahensya kung may batas na mag-uutos nito.


“I’d love it, kasi mayroon naman tayong manpower para sa universal health care program…So, kung ipu-push ‘yan ng congressmen, tutulungan ko sila (na ito’y maisa-batas).


Idiniin ni Herbosa na sinusuportahan niya ang panukala dahil ang edukasyon na natamo ng mga estudyante sa SUCs ay pinondohan ng buwis ng mga mamamayan, kaya angkop lamang na maglingkod muna sa bansa ang ating nurses, bago mangibang-bayan.


Ipinaliwanag ni Herbosa na ang University of the Philippines ay isa sa mga nagpapatupad ng ganitong kasunduan. Bago tanggapin, bawat estudyante ng nursing at medisina ay dapat munang lumagda sa isang kasunduan na sila ay magtatrabaho muna sa bansa nang ilang taon pagka-gradweyt bago mag-abroad.


Ayon sa research ng BraboNews, noong 2022, mahigit 170,000 nurses ang naglilingkod sa bansa, pero 290,000 sa mga lisensyadong nurses ang nagpalit na ng trabaho. Malaking porsyento sa kanila ang nag-gradweyt sa SUCs.

About Author

Show comments

Exit mobile version