Seafarers: Libreng sakay sa tren

BILANG pagkilala sa kontribusyon ng mga mandaragat (seafarers) sa pag-unlad ng ating ekonomiya, pwede silang sumakay sa LRT-2 at MRT-3 nang libre mula 7:-00 – 9:00 ng umaga at 5:00 -7:00 ng gabi, bukas, Hunyo 25, ayon sa pamunuan ng LRT.


Ang MRT North Avenue Station ay bukas hanggang 9:30 ng gabi samantalang ang LRT 1 Taft Avenue Station ay bukas hanggang 10:09 ng gabi.


Taon-taon, pinagdiriwang sa bong Pilipinas ang araw ng mga mandaragat na Pilipino para parangalan ang mga masisipag na lalaki’t babae na naghahanap-buhay dito at sa ibayong dagat, at sinusuong maski ang panganib sa karagatan para suportahan ang kani-kanilang pamilya. Malaki rin ang naiambag ng mga mandaragat sa ekonomiya ng bansa.


Isa sa bawat limang mandaragat sa buong mundo ay Pilipino.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...