Muling magsuot ng face mask – DoH

0

MAPANGANIB sa kalusugan ang vog o volcanic gas.


Kaya pinayuhan nitong Biyernes ng Department of Health (DoH) ang mga nakatira sa
lalawigang malapit sa Bulkang Taal na muling magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay
para makaiwas sa respiratory diseases na dulot ng vog.


“Ang volcanic smog o vog ay binubuo ng mga maliliit na patak ng abo na naglalaman ng
volcanic gas tulad ng sulfur dioxide, at maaaring magdulot ng pagka-irita ng mata, lalamunan
at mga daanan ng hininga, depende sa konsenstrasyon ng gas at tagal nang pagkaka-expose,”
ayon sa DoH.


Ayon pa sa DoH, kung wala rin lang mahalagang gagawin sa labas, dapat manatili na lamang
sa loob ng bahay ang mga mamamayan para hindi maapektuhan ng vog. Kailangan ding
uminom nang maraming tubig kapag nakadarama nang iritasyon at panunuyo ng lalamunan.


Samantala, sinuspindi ang klase sa Metro Manila at iba pang komunidad dahil sa smog –
isang kulay abo na gas na nakaka-pollute sa atmospera mula sa usok ng sasakyan. Hinikayat
din ang mga mamamayan na magsuot ng face mask kung kailangang lumabas ng bahay.


Nauna nang sinabi ng kinauukulan na ito ay vog, pero inihayag ng Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ito ay smog.


Bago pa man lumabas ang paglilinaw ng Phivolcs, sinuspindi na ang pasok sa mga lungsod
ng Maynila, Marikina, Valenzuela, Mandaluyong, Quezon, Pasay, Las Piñas at San Juan pati
na pasok sa ilang ahensya ng gobyerno na hindi sangkot sa rescue at emergency services.

About Author

Show comments

Exit mobile version