PAULIT-ULIT na singilin ang China.
Ito ang mariing sinabi ni Senador Risa Hontiveros dahil sa pagsira ng China sa ating yamang-
dagat sa West Philippine Sea (WPS), bunsod nang pangunguha nito ng corals sa Sabina
Shoal.
Dahil dito, hinikayat niya ang administrasyong Marcos Jr. na hindi ito dapat palampasin, kaya
dapat magbayad ang China sa malaking perhuwisyong ginawa nito.
“Kailangan paulit-ulit nating silang kwentahan at singilan sa pagkakautang sa atin. This is at
least the second time na nanawagan ako sa ating gobyerno na singilin nang danyos sa atin ng
Tsina,” pagdiriin ni Hontiveros kamakailan.
“Talagang hindi lang ninanakawan ng hanapbuhay ang ating mangingisda, sinisira pa ang
marine ecosystem,” dagdag pa niya.
May posibilidad daw na balak magtayo ng base militar ang China kaya nila ginawa ito, at
maaaring ito’y magdulot nang panganib hindi lamang sa ating mga mangingisda kundi pati na
rin sa mga rehiyong malapit dito, pagtatapos ni Hontiveros.