VP Sara, nagpasalamat kay Sen. Imee

0

WALANG iwanan!
Tila ito ang mensahe ni Senador Imee Marcos kina Vice President at DepEd Secretary Sara
Duterte at sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Labis na nagpapasalamat ang Bise-Presidente dahil sa patuloy daw na suporta ni Imee sa
kanyang pamilya.


Iniulat ng News 5 nitong Biyernes sa isang interview kay VP Sara na may matindi raw
pinagdadaanan ngayon sa pulitika ng kanilang pamilya.


“It is true that the political side of our family is going through a rough patch right now,” saad ng
batang Duterte.


Matatandaang mariing sinabi ni Senador Imee na “Kahit ako ang nag-iisang matira,
maninindigan ako para sa kanya (VP Sara).”


Nagkaroon nang lamat ang relasyon ng mga Duterte at Romualdez nang sabihin kamakailan ng
dating Pangulo na ang Kongreso ang diumano’y pinakabulok na institusyon sa bansa, dahil
wala raw patumangga ang paggastos nito ng pork barrel na tila walang limit.


“Walang limit ang ano nila diyan, ‘yung pork barrel, pati ‘yang si Romualdez, he’s
wallowing–Alam mo kasi, ewan ko kung bakit inaano niya si Inday. Si Inday naman is perceived
to be a good candidate. But I’m saying now that Inday, as far as I’m concerned, should not run
for president. Tama na ‘yang vice president. Maganda na ‘yan, ibigay na niya sa iba,” pagdiriin
ni Duterte.


“I will ask everybody from the farmer to the businessman, to the church people, to every Filipino,
to every soldier and policeman, that will we all demand that we open the liquidation para
malaman rin namin kung paano ninyo winaldas ang pera namin,” dagdag pa ng dating pangulo.


Samantala, umiinit ngayon ang espekulasyon na magtatambal sina Sara-Imee para sa
President at Vice President (VP) sa 2028. Nagpahayag din ng interes sina dating VP Lenie
Robredo at Francis Pangilinan na tatakbo rin sa nasabing pwesto.


Mas mainit nga ba ang labanan kung Sara vs. Lenie sa 2028? Babae sa babae? Ito’y kung
hindi tatakbo si Speaker Martin Romualdez.

About Author

Show comments

Exit mobile version