P66-M: Sweldo ng 33 opisyal ng DSWD

0

UMAABOT sa P66,267,132 ang sweldo ng 11 undersecretaries (Usec) at 21 assistant
secretaries (Asec) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa source
ng Brabo News.


Nagkaroon pa ito ng kulay na pinuna ng ilang netizens, dahil sa inaasahang pagpasok ng
asawa ni Senador Mark Villar na si Emmeline Aglipay bilang undersecretary,
sa tanggapan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.


May basic pay ang isang Usec na P189,199 kada buwan, at sa isang taon ang 11 Usecs ay
susweldo ng P24,074,268. Samantalang ang Asec ay may buwanang sweldo na P167,432, at
sa isang taon ang 21 Asecs ay susweldo ng P42,192,864. Ito ay may kabuuang P66,267,132
para sa nabanggit na 33 opisyal ng DSWD para sa isang taon.


Ayon sa dating DSWD secretary at ngayo’y ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, “Sabi sa report
nahihirapan daw ang current administration ‘yong nakaupo ngayon na bawasan ito. Ang
pagkaalam ko hiningi rin ng bagong upong leadership ang courtesy resignation ng lahat.


Nakapagtataka, sana from there binawasan na niya, hindi naman niya binawasan, nag-
appoint din siya (kaya) dumami pa ho.”


Ayon sa website ng DSWD ang 10 undersecretaries ay sina: Edward Justine Orden,
(General Administration and Support Services) Monina Josefina Romualdez, (Operations);
Diana Rose Cajipe, (Disaster Response Management); Adonis Sulit, (Policy and Plans);
Denise Florence Bernos-Bragas, (Standards and Capacity Building); Vilma Cabrera,

(National Household Targeting System and Pantawid Pamilyang Pilipino Program}; Alan
Tanjusay, (Special Concerns, and for Inclusive and Sustainable Peace);
Eduardo Punay, (Innovations); Rowena Taduran, (Legislative Coordination and External
Affairs); at Fatima Aliah Dimaporo. Hindi pa kabilang rito ang asawa ni Senador Mark Villar.


Ayon sa ilang economic observers, dapat bawasan ng DSWD ang malaking bilang ng mga
opisyal nito, sa pamamagitan ng merger ng dalawa o higit pang tanggapan at pag-alis sa mga
dobleng functions. Masyado raw nasasayang ang pera ng taong bayan dahil dito.

About Author

Show comments

Exit mobile version