Pondo ng DSWD, ginagamit nga ba sa pagpapapirma sa PI?

0

PINABULAANAN ng DSWD nitong Biyernes, Enero 26, ang alegasyon ng isang Congressman na ang “Assistance to Individuals in Crisis Situation” (AICS) program ay ginagamit para makakuha ng lagda para sa people’s initiative.

Ang paggamit daw ng pondo ng AICS para people’s initiative signature campaign ay kasinungalingan, ayon kay Asst. Secretary Romel Lopez, ng Strategic Communications ng DSWD o Social Welfare and Development.

Pinasinungalingan ni Lopez, ang pahayag noong Huwebes ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez na ginagamit ang AICS para makapag-papirma sa mga botante sa kanyang lalawigan para sa PI.

“Since its establishment — the DSWD and its social welfare programs, including AICS — have been protected against this kind of misuse with all agency personnel strictly adhering to existing rules and regulations in the conduct of payouts to our beneficiaries,” paglilinaw ni Lopez.

Ayon sa isang legal writer, tila self-serving ang paliwanag ni Lopez — mahirap itong paniwalaan kung walang kaukulang dokumento. Paano niya nalaman na 100% sa lahat ng proyekto sa DSWD ang walang bahid-korapsyon? Dapat ang Commission on Audit o isang third-party auditor ang nagsabi nito, hindi siya. Sana raw, tigilan na ni Lopez ang pa-epal at nonsense na pahayag.

About Author

Show comments

Exit mobile version