P1-M nilustay ng CHEd sa iphone, kamiseta – CoA

0

ADDICT yata sa iPhone at Samsung S22 ang mga taga-CHEd, ayon sa isang netizen. Hindi naman
daw masama ito kung sarili nilang pera ang ginamit sa pagbili.


Ito’y dahil ayon sa Commission on Audit (CoA). nilustay daw ng Commission on Higher Education
(CHEd) Davao Region ang mahigit P1 milyon sa pagbili ng iphone, Samsung S22, jackets, kamiseta, atbp.


Sa 2022 audit report, binanggit ng CoA ang labis-labis na paggastos ng CHEd Davao Region.
Umabot sa P275,000 ang ginastos para sa limang iPhone at Samsung S22 Ultra smartphone units
at ito’y hindi makatwiran at irregular dahil luxury items ito.


Ayon sa CoA Memorandum Circular 2012-003, ang “irregular, unnecessary, excessive,
extravagant, or unconscionable transactions” ay hindi pinapayagan.


Base umano sa paliwanag ng CHED Davao Region office, makatwiran naman ang presyo ng mga
smartphone dahil sa kalidad ng mga ito. (Makatwiran ang presyo, pero ang pagbili nito? – Ed)
Kung tungkol naman sa kwestionableng pagbili ng kamiseta, jacket, tote bag, at ballpen, sinabi ng
CHEd Davao Region na ginamit daw ito sa iba’t ibang aktibidad, sa kahilingan na rin ng CHEd head
office.


Samantala, gumastos ng mahigit sa P16,000 halaga ng bulaklak ang CHEd Cordillera Regional
Office na binili mula sa isang pribadong tao para sa isang graduation ceremony.


Hindi raw kapani-paniwala ang paliwanag ng CHEd Cordillera na hindi raw naperhuwisyo ang
gobyerno sa pagbili ng P16,000 bulaklak, kahit lumalabas na mahal at maluho ito, taliwas sa
guidelines ng gobyerno na gawing simple ang graduation at government events.


Iginiit ng CoA na hindi dumaan sa regular at tamang proseso ang transaksyon, kaya itinuturing
itong labag sa auditing rules and regulations, kaya dapat lamang madis-allow.

About Author

Show comments

Exit mobile version