Contemplacion, inosente nga ba?

0

Ayon sa March 22, 1995 issue ng New York Times, ang pagbitay kay Flor Contemplacion ay bunsod diumano nang pagpatay nito kay Delia Mamaril Maga, 34, isa ring domestic helper at sa alaga nitong si Nicholas Huang, 3, isang batang Singaporean.


Sa ulat ng PEP.Ph sa kanyang sinumpaang salaysay, inilahad ni Virginia Parumog, kasama noon sa
selda ni Flor, na napilitan lamang si Flor na aminin ang krimen dahil sa paulit-ulit na pag-torture sa kanya.

Bukod pa rito, may ipinaiinom na gamot ang mga imbestigador kay Flor, kaya palagi siyang
wala sa sarili pagkatapos ng interogasyon, pagbalik ng selda.


Ayon pa kay Parumog, posible raw na ang employer na si Wong Sing Keong ang pumatay kay
Delia, dahil sa labis na bugbog at pahirap ang ikinamatay ni Delia, na hindi kayang gawin ng isang
karaniwang babae.


Ayon pa sa Wikipedia report, hindi positibong kinilala ng ama ni Huang kung si Flor nga ang
kriminal at umasa na lang ang korte sa pag-amin ni Contemplacion. Sa serye ng mga pagdinig,
kahit minsan, hindi nagkaroon ng kinatawan ang Pilipinas mula sa ating embahada, kaya may
kwestiyon kung patas nga ba o may pagkakamali sa mga nangyaring pagdinig.


Ayon kay Emilia Frenilla, isa pang maid, narinig niya ang isang pag-uusap na ang bata ay nalunod
sa timba at namatay dahil sa “epileptic seizure” at si Maga ay pinatay ng mga kaanak ng bata dahil sa galit, at ito’y ibinintang kay Contemplacion, para makalusot sa kaso.


Dalawang ulit na sumulat si noo’y Pangulong Fidel V. Ramos kay Singapore President Ong Teng
Cheon. Unang sulat: humihiling na bigyan ng clemency si Contemplacion, at ikalawa, mayroong
mga bagong ebidensya na maaaring dinggin ng korte, kaya nakiusap si Ramos ng retrial.


Sa interogasyon ng Singapore police, inamin ni Flor ang krimen at hindi niya ito ni-retract o
ikinaila. May ilang grupo ang nagsabi na malamang napilitan lamang umamin si Flor dahil sa
panggigipit ng otoridad.


Samantala, napilitang umalis si Frenilla sa Singapore dahil diumano sa matinding banta sa kanyang buhay.

About Author

Show comments

Exit mobile version