Ilang nag-file ng CoC, ‘gradweyt ng Recto University’

0

SINABI ni Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia na sasampahan ng
kasong kriminal ang nag-sumite ng pekeng birth certificates at iba pang dokumento para
sa BSKE.


Ito ay dahil natuklasan ng komisyon na sa unang araw ng filing ng certificate of
candidacy (CoC) para sa BSKE o Barangay at Sanguniang Kabataan Elections, may
overage na kandidato na nagpasa ng pekeng birth certificate na mas mababa kaysa sa
tunay na edad ang nakasulat.


“Meron d’yan sa Maynila (sa Recto), may nakita pa nga na mga fake na mga
dokumento. Kaya sinabi natin dapat kumpiskahin ang mga pekeng papel na ‘yan at
pagkatapos ay pa-file-an natin ng kaso ‘yung nag-attempt pa rin na nag-file n’yan.

Akala po kasi nila hindi namin ika-counter check at akala ganon kami magiging maluwag sa
pagfa-file ng CoC,” ayon kay Garcia.


Iginiit ni Garcia na kailangang kumpleto ang lahat ng supporting papers para tanggapin
nila ang CoC ng mga nagbabalak kumandidato.

Hindi rin nila tinatanggap ang overage na kandidato (para sa Sangguniang Kabataan), at applicants na wala sa kanilang database.


Nilinaw ni Garcia na wala raw silang pakialam sa birth certificate at iba pang
dokumento. Pinagbabasehan daw nila ang voters registration record ng Komisyon.

Ito rin ang basehan sa tunay na edad ng aplikante.


Ayon pa sa Comelec, ang opisyal na campaign period ay mula Oktubre 19 hanggang
28 lamang. Ang pangangampanya nang mas maaga pa rito ay pinarurusahan ng
disqualification, sakaling manalo ang sinumang kandidadto.

About Author

Show comments

Exit mobile version