WALA namang pakialam sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at lahat ng mga bayani
kung magpopo-focus ang mga estudyante sa leksyon, assignments, at projects.
Ito ang idiniin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, matapos niyang
iniutos kamakailan na alisin ang lahat ng visual aids na naka-paskel sa mga pader ng
pampublikong paaralan sa bansa.
Igininit ni Duterte, na ang opisyal na utos ay dapat sundin, kaya muli niyang sinabihan
ang mga DepEd regional directors, pati na principal ng paaralan na alisin na ang
anumang visual aids na nakadikit sa pader, para maka-focus ang mga mag-aaral sa
leksyon.
Ang utos na walang kalat sa mga silid-aralan sa pagbubukas ng klase ay ibinigay
kamakailan ni Duterte, kasama na rito ang mga nakadikit sa pader ng eskwelahan.