NAKATITIYAK si dating DENR Secretary at Manila Mayor Lito Atienza na pagnanakaw
diumano at korapsyon ang dahilan kung bakit nakalusot sa Philippine Reclamation
Authority (PRA) ang 13 reclamation projects sa Manila Bay.
“Para sa akin, (dapat) idemanda ang lahat ng kasangkot sa pag-apruba ng mga
permisong ‘yan. It is not enough to prevent it. We have to put a stop, totally stop the
issuance of reclamation permits all over the island,” giit ni Atienza.
Dapat daw parusahan – dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan – ang mga pumirma at
nag-approve ng reclamation projects, dugtong pa ng dating secretary ng DENR o
Department of Environment and Natural Resources.
Nilinaw ni Atienza na isa raw uri nang panloloko sa sambayanang Pilipino ang
pagtatabon ng lupa sa Manila Bay para sa makinabang ang mga mayayaman.
Ayon sa ilang local government units sa Metro Manila, maaaring magdulot daw nang
ga-delubyong pagbaha sa Metro Manila, Bulacan, at iba pang lugar kapag tuluyan nang
natabunan ang mahigit 26,000 ektaryang dagat sa Manila Bay.
Sinusuportahan daw ni Atienza ang desisyon ni President Ferdinand “Bongbong”
Marcos Jr. na suspindihin ang lahat ng reclamation projects sa lugar, kasabay nang
pagtawag ng agarang imbestigasyon.
Mayroon daw ordinansa ang Maynila na pinagtibay nila noon na nagbabawal sa
anumang proyektong katulad nito, aniya pa.