Oil price hike, inilarga na ng mga kumpanya ng langis

0

Ikinasa na ng mga kumpanya ng langis ang unang price increase sa kanilang mga produkto ngayong taong 2024.

Bunsod ito ng ipinatong na premium at mas mataas na shipping cost ng mga oil company upang maiwasan ang tensyon sa Red Sea.

Dakong 12:01 ng hatinggabi nang ipatupad ng Caltex ang dagdag na ₱.10 sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene o gaas.

Epektibo naman simula kaninang 6:00 ng umaga ang kahalintulad na price adjustment ng mga kumpanyang Shell at Seaoil habang mamayang 4:00 ng hapon naman ito ipatutupad ng Cleanfuel.

About Author

Show comments

Exit mobile version