14 Americans, 18 Thais, 1 Filipino napatay sa Israel

0

MARAMING BANYAGA ang napatay, nasaktan, o ginawang bihag sa sorpresang pag-atake ng
Hamas terrorist group sa Israel magmula nitong Oktubre 7.


Kinumpirma ni US President Joe Biden sa national television na 14 na Amerikano ang napatay
sa umiinit na digmaang Israel-Hamas.


Iniulat ng CNA News Channel na 18 Thais ang napatay, 9 ang nasugatan, at 11 ang binihag ng
Hamas.


May naiulat din na isang Filipino caregiver at isang German national ang napatay, subalit hindi
pa ito kinukumpirma ng kani-kanilang gobyerno.


Ayon sa The Times of Israel, magmula nang sumiklab ang digmaan nitong Sabado, mahigit
1,000 mga tao ang napatay sa Israel at mahigit 2,500 ang mga nasaktan, samantalang 150 mga
lalaki ang dinalang bihag sa Gaza Strip, kasama ang mga babae, bata, at matatanda.


Dahil sa mahigit 200 ulit na pambobomba ng Israeli planes sa Gaza Strip, mahigit 800 ang
napatay at 175,000 ang napilitang lumikas, ayon sa Palestianian Ministry of Health sa Gaza.


Dahil sa pagharang ng Israel Defense Forces, hindi nakapasok ang ilang truck na mula sa Egypt
na magdadala sana ng pagkain, tubig, at gamot sa Gaza Strip. Mariing kinondena ito ng
international Muslim community.


Samantala, sinabi ni UN Secretary-General António Guterres na isang paglabag sa international
law ang ginawa ng Israel na pagputol ng tubig, kuryente, at pagbabawal sa pagdadala ng
humanitarian aid sa Gaza Strip.

Samantala, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac na wala
munang deployment ngayon ng OFWs sa Israel dahil prayoridad ng ahensya ang kaligtasan ng
mga Pilipino sa Gaza Strip at Tel Avid.


Sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na wala pa munang
balak na repratriation ng OFWs sa Israel, dahil hindi pa ito hinihiling ng karamihan.

Pero gumagawa ang ahensya nang paraan para mapauwi ang tinatayang 150 OFWs na naza loob ng war zone sa Gaza Strip.

About Author

Show comments

Exit mobile version