Dating MMDA Chair Bayani Fernando, pumanaw na

0

PUMANAW na ang dating pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si
Bayani Fernando kahapon, Setyembre 22. Siya ay 77 taong gulang.


Naglingkod siya bilang chairman ng MMDA magmula noong 2002-2005 at mayor ng Marikina
City, 1992-2001. Naging kinatawan din siya ng unang distrito ng Marikina magmula 2016-
2022.


Isang mechanical engineer is Fernando at ayon sa kanyang mga naging tauhan sa MMDA,
hindi masalita si Fernando, puro gawa. Isa rin siyang workaholic at disciplinarian.


Ayon sa kanyang misis na si dating Marikina Mayor Marides Fernando, pagkahulog sa bubong
ang sanhi ng kanyang kamatayan. Walang ano pa mang detalye ang inilabas ng kanyang
pamilya.


Sa ilalim ng pamamahala ni Bayani, gumagamit siya nang scientific at practical na
pamamaraan para lutasin ang mga problema sa Metro Manila. Naging malinis din at maayos
ang lungsod ng Marikina sa panahon nang kanyang panunungkulan.


Ayon kay Marikina D2 Rep. Stella Quimbo, “Your legacy in Marikina will remain forever…
Thank you, BF, the Father of Modern Marikina, for your service.”


Samantala, pinayuhan ni Lucino Soriano, isang certified DoLE safety officer ang mga
mamamayan, lalo na ang seniors, na huwag nang umakyat sa bubong kung may aayusin.


Ibayad na lang ito sa propesyonal. Kung walang pambayad, gumamit nang safety harness
para maiwasan ang pagkahulog.


Nakikiramay ang BraboNews sa pamilya Fernando sa pagkawala nang isang matalino at
mahusay na lingkod-bayan.

About Author

Show comments

Exit mobile version