Halimaw! Pinay na guro sa Harvard

0

HALIMAW!
Ganito inilarawan ng ilang netizens ang isang gurong Filipina na nagtuturo na ngayon ng wikang
Filipino o Tagalog sa prestihiyosong Harvard University sa Amerika.


Hindi po ang tradisyunal na kahulugan ng “halimaw” na “beast o monster” ang ibig nilang sabihin.
Dahil para sa vloggers at netizens, ang salitang halimaw ay nangangahulugang: higit pa sa
karaniwang tao ang galing, talino, kasanayan, impact, atbp.


Bakit nga ba ganito na lang ang paghanga ng ating mga kababayan kay teacher Lady Aileen
Ambion Orsal?


Kasi, si Aileen ang kaunaunahang Filipina – na ipinanganak, lumaki, at nag-aral sa bansa – ang
nagtuturo na ngayon sa 386-taong Harvard University sa Cambridge, Massachusetts. Ito ang
number one at pinaka-prestihiyosong pamantasan sa buong Amerika.


Noong nakaraang Marso, inianunsiyo ng Harvard na mag-aalok sila ng kurso sa wikang Filipino o
Tagalog.

Ang Tagalog ang ikaapat na mas ginagamit na wika sa buong United States, sumunod ng English,
Spanish, at Chinese.


Ayon sa Harvard, magtuturo si Orsal ng elementary at intermediate Filipino language courses sa
Harvard Asia Center, gayundin sa Department of South Asian Studies.


Noong 2012, nagtapos si Aileen ng kanyang B.A. in Mass Communications sa Cavite State
University (CvSU) at noong 2017, nagtapos siya ng Master of Arts in Philippines Studies.


Balak ni Aileen na paghusayin pa ang paraan nang kanyang pagtuturo sa pagkuha ng masters
degree sa Northern Illinois University (NIU) at ang anyang Ph.D. in Philippine Studies mula sa De
La Salle University (DLSU).


Samantala, pinasalamatan ni Aileen ang lahat ng mga nakatulong sa kanya para maabot ang
kanyang pangarap.


“Kasama na rito ang pagsaludo sa lahat ng mga gurong Pilipino at guro ng/sa Filipino sa loob at
labas ng bansa – partikular na ang mga guro ko sa CvSU at DLSU at sa mga kaibigan at mentor ko
na guro sa NIU at iba pang pamantasan sa Estados Unidos – na dahilan kung bakit patuloy akong
natututo sa mga istratehiya sa pagtuturo ng ating wika at kultura.”

About Author

Show comments

Exit mobile version