Miss Grand It’l. Candidate, ipinahiya ang Pilipinas

0

MAY very bad attitude at ipinahiya pa ang Pilipinas sa buong mundo.


Ito ang ibinansag ng ilang Pilipino fans kay Nikki de Moura, matapos itong mag-walk-
out sa coronation rites matapos na hindi siya makasali sa top 20 semi-finalists ng
kompetisyon.


Bilang pagggalang, dapat na nanatili si Nikki sa stage hanggang sa matapos ang
buong programa, kahit na hindi siya napili sa top 20, dahil may activities pa na kasali
ang bawat kandidata.


Ang Miss Grand International ay ginanap nitong Oktubre 25 sa Phú Thọ Indoor Stadium
in Ho Chi Minh City, Vietnam.


Magmula nitong Oktubre 29, kumakalat sa social media ang diumano’y real story ng
bad attitude ni Nikki sa kapwa kandidata at mismong sa staff ng pageant.


Matapos daw i-anunsiyo ang Top 20, mabilis na nagpunta si Nikki sa backstage at saka
umalis.


Nabigla ang organizer na si Ani Nawat sa ginawa ni Nikki at sinabing, “Especially after
not top 20, she, [Nikki] quick back, pack, and go out from the backstage… A lot of
rehearsal[s]… she want to skip, she want to walk. She’s not polite to everyone around
her, to run out, not going on the stage.


Ayon sa isang opisyal ng pageant, “The problem with you is choosing the wrong
candidate to compete, from day one she has a lot of problem/fault. You Filipinos stop
blaming me as you have chosen the wrong candidate to compete.”


Si Luciana Fuster, Miss Peru ang nanalo sa Miss Grand International 2023. First
runner up si Ni Lin Eain, Miss Myanmar ; 2nd runner-up si María Alejandra López,
Miss Colombia; at 3rd runner-up si Sthephanie Miranda, Miss USA.


Magmula nang nagsimula ang beauty contest na ito 11 years ago, wala pa ni isa mang
Pilipina ang nakakopo ng first place.


Bukas ang BraboNews para sa sagot ni Nikki sa mga akusasyong ibinato sa kanya.

About Author

Show comments

Exit mobile version