Journalist Rina Jimenez-David, sumulat ng 30

0

NAMAYAPA na ang mamamahayag na si Rina Jimenez-David, ayon sa kanyang anak na si
Miya, sa isang Facebook post nitong Nobyembre 12.


Si Rina ay 68 taong gulang.


Sa post ni Miya, “We are saddened to announce that our mother, the indefatigable Rina
Jimenez David, passed away this morning from an illness.”


Iaanunsyo pa raw ang mga detalye tungkol sa burol at iba pang impormasyon tungkol sa
kanyang ina.


Naging isang mahusay na kolumnista si Rina sa The Philippine Daily Inquirer noong 1988.
Nakilala siya sa kanyang column na At Large.


Nagtapos si Rina noong 1976 sa University of Santo Tomas at nag-aral siya ng journalism sa
John Hopkins University School of Public Health sa Baltimore, U.S.A.


Naging finalist sa Philippine National Book Awards ang aklat ni Rina na Women at Large, na
nakatulong para magpabago at mapahusay ang buhay ng maraming Pilipina. Isinulat din niya
ang isang kontrobersiyal na aklat Nightmare Journeys: Filipina Sojourns Through the World of
Trafficking na gumimbal sa maraming Pilipino, lalo na sa mga kababaihan.


Noong Agosto 2020, ibinahagi ni Rina sa kanyang mambabasa na ang kanyang column na At
Large ay tuluyang nang ititigil sa PDI dahil sa pagtitipid na kinakailangang gawin ng pahayagan
para maka-survive. Ang column ay tumagal nang halos 30 taon.


Adbokasiya ni Rina ang mga isyung pangkalusugan ng mga babae, na kadalasan niyang
binabanggit sa kanyang column, na patuloy sanang nakatulong ito sa mga kababaihan – lalo na
ang dumaranas ng iba’t-ibang karamdaman o pang-aabuso – pero dahil daw sa isyung
pinansiyal, ipinatigil na ito ng PDI.


Lubos na nakikiramay ang BraboNews sa isang mahusay na mamamahayag at matapang na
bayani ng mga kababaihang Pilipino.

About Author

Show comments

Exit mobile version