Senior purchase slip booklet, ipatigil na

0

PAGGAMIT nang purchase slip booklet (PSB) ng seniors, dapat ipatigil na.
Ito ang hiniling ni Baguio City Rep. Mark Go sa Kongreso bilang mandatory requirement para
mabigyan ng discount tuwing bibili ng gamot at iba pang personal na pangangailangan ang senior
citizens.


Sa House Resolution 1263 na isinumite ni Go sa Kongreso, naglalayon itong alisin – sa
pamamagitan ng isang batas – ang mandatory requirement sa paggamit ng PSB.


Ito ay sa kabila nang umiiral na administrative order ng DoH noong 2012 na nagsasabing hindi na
kailangang iprisinta ang PSB tuwing bibili ang seniors. Ito ay hindi sinusunod nang halos lahat ng
mga botika at establisyemento, at pilit pa rin nilang hinahanapan ng PSB ang seniors.


Ang 2003 at 2010 Expanded Senior Citizens Act ay nagkakaloob sa senior citizens ng 20 percent
discount sa pagbili ng gamot, pamasahe sa sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapawid,
pati na rin bayad sa restaurants, hotels, recreation centers, atbp. Five percent naman ang discount sa pagbili ng groceries at iba pang personal na pangangailangan ng senior.


“Dapat nang itigil ang paqgamit ng purchase slip booklet bilang mandatory requirement bago ibigay ang 20 percent discount sa senior citizens, para hindi na sila mahirapan,” pagdiriin ni Go.

About Author

Show comments

Exit mobile version