Mike Enriquez: Magalang na broadcaster, namaalam na

0

LUMULUHA sa ere kapwa sina Mel Tiangco at Vicky Morales habang ibinabalita
kahapon ang pagpanaw ng isang brodkaster na nakasama nila sa mahigit 20 taon – si
Mike Enriquez.


Si Mike ay pumanaw sa edad na 71 at inialay niya ang mahigit kalahating siglo sa
paglilingkod sa bayan sa pamamagitan nang pagbabalita at pagtulong sa mga naaapi.


Naging trademark na ni Mike ang “excuse me po,” matapos umubo habang nagbabasa
ng balita. Ang paghingi ng paumanhin matapos umubo, ay intinuro raw ng kanyang mga
magulang.


Mahigit 20 taong naglingkod si Enriquez sa iba’t ibang news and public affairs
programs ng GMA-7 gaya ng 24 Oras at Imbestigador.


Bago ang kanyang pagpanaw, dalawang beses nag-medical leave si Mike sa kanyang
trabaho sa GMA-7 noong 2018 at 2021, dahil sa lumalalang karamdaman. Sumailalim
siya sa kidney transplant at heart bypass operation sa pagitan ng 2018 at 2022.


“I promise myself at the start of my surgery and my isolation… I would spend the time
really, really taking a serious look at my life, at my career,” saad ni Mike.


Ayon sa sumulat ng balitang ito, close friends ng kanyang kapatid na si Fundador
Soriano (1938-2016) si Mike at totoo raw na humble ito at matulungin. Ilang beses ding
pinasyalan ng una si Mike habang “on board” ito sa DZBB at kakaiba sa kanyang boses
sa ere, soft-spoken ito at magalang.


Marahil, hindi na tayo makakakita ng isa pang Mike Enriquez na nagbibigay nang
“serbisyong totoo” sa sambayanang Pilipino, kahit na sa panahong malapit na siya sa
mga huling sandali ng kanyang buhay.


Nakikiramay po ang buong team ng Brabo News sa mga naulila ng isang haligi ng
industriya ng pamamahayag.

About Author

Show comments

Exit mobile version