Mga magulang, dapat makilahok sa edukasyon ng anak

0

ISINUSULONG ni Sen. Win Gatchalian ang ganap, epektibong pagpapatupad ng “Parent Effectiveness Service (PES) Act” o Republic Act (RA) No. 11908.


Makatutulong ang aktibong partisipasyong ng parents o mga magulang sa mga mag-aaral para mapahusay ang kanilang marka sa paaralan.


Ayon sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na mas mababa ang index ng family support sa Pilipinas, kung ihahambing sa ibang mga bansang kasapi ng OEDC.


Ayon sa pag-aaral, ang isang yunit ng pagtaas sa index ng family support sa Pilipinas ay naiuugnay sa pagtaas ng 13 puntos sa mathematics score ng mga estudyante.


Lumabas din na malaki ang itinaas sa puntos ng mathematics performance ng mga mag-aaral dahil sa patuloy na suporta ng parents, isa o dalawang beses isang linggo, araw-araw o halos araw-araw.


Sa mga mag-aaral na kasama ang kanilang parents sa oras ng pagkain, tumaas ng hanggang 44 puntos ang kanilang score sa mathematics. Samantala, 33 puntos ang itinaas matapos maiulat na naglaan sila ng oras na makipag-usap sa kanilang mga anak.


Kabilang sa mga gawaing nakakaangat sa students’ math scores ang: 1) Paghikayat sa kanila na magkaroon ng mataas na marka — 26 puntos, 2) ipaalam sa anak na mahalagang makatapos ng senior high school — 21 puntos, 3) dayalogo tungkol sa hinaharap ng edukasyon — 19 puntos, at pakikipag-usap tungkol sa estado ng mag-aaral sa paaralan — 19 puntos.

Ayon kay Gatchalian, malaki ang maitutulong ng “Parent Effectiveness Service
Act “ kapwa sa mag-aaral at magulang.

About Author

Show comments

Exit mobile version