₱100 Arawang dagdag-sahod, tinanggihan

0

AYAW ng ECOP na maitaas ang antas ng buhay ng naghihirap na karaniwang manggagawa, kaya tinanggihan nila ang panukalang ₱100 dagdag-sweldo bawat araw.


Sinabi ni Sergio Ortiz-Luis Jr., pangulo ng ECOP o Employers Confederation of the Philippines at Philippine Exporters Confederation, Inc. (Philexport), na hindi pa pwedeng maipatupad ang ₱100 daily wage hike dahil hindi pa nakababangon ang employers sa epekto ng Covid-19 sa bansa.


Samantala, ayon kay Arturo Guerrero, ECOP Director, na dapat munang magsagawa ng konsultasyon ang lahat ng stakeholders sa paggawa tungkol sa usapin nang pagtataaas ng sahod.


Pero nauna nang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang ₱170 [hindi ang ₱100 dagdag-sahod] na dagdag sa arawang sahod ay 14 percent lamang ng tubo ng mga negosyong may taunang kita na ₱1.1 trillion, Sa small enterprises na may 1.8 milyong kawani, ito ay katumbas lamang ng 17 percent. Dapat daw munang magpakita ng datos ang mga negosyante, sa halip na magbanta.

Sinabi ng isang observer na taliwas sa sinabi ni Ortiz-Luis, Jr., na magiging mahal ang pagnenegosyo sa bansa, ang tunay na dahilan ay ang hindi matatag na kalagayang politikal ng bansa, sobrang mahal ng kuryente, sobrang trapik, sobrang baba ng halaga ng piso kontra dolyar, at ang mahirap na proseso ng gobyerno para sa mga nais magnegosyo. Ito ang mga dahilan, hindi ang sweldo, kaya iniiwasan ng mga banyagang imbestor ang bansa. Kung abot-kaya ang presyo ng kuryente, anomang pagtataas ng sweldo ay maibibigay.

Dahil nananatiling tahimik ang ECOP sa rebelasyon ni Escudero, malinaw na ito’y totoo.

About Author

Show comments

Exit mobile version