Muling magkakasa ng malawakang tigil-pasada ang grupong manibela.
Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, isasagawa ang transport strike sa darating na Martes, January 16, 2024.
Ito, aniya ay bilang pagtutol sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Aabot naman sa 10,000 katao ang inaasahang lalahok sa tigil-pasada na kinabibilangan ng mga jeepney driver, operators, iba’t ibang student council at transport group.
Related Posts:
About Author
Show
comments