₱13-B Clark City projects, popondohan ng UK

0

HINILING ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang suporta ng pamahalaan ng United Kingdom (UK) at private investors para pondohan ang ₱13.26 bilyon na mga proyekto sa New Clark City.

Sa pagbisita kamakailan ng ilang investors at kinatawan ng UK government, iprinisinta ng BCDA ang panukalang ₱10.68 billion, 33.89-hectare mixed-income housing project at ang ₱2.58 billion, New Clark City Central Park.

Ang parke ay isang 44.8-ektaryang open space para sa paglilibang, at magiging pinakamalaking public park sa buong bansa.

Pinangunahan ang UK delegation ng UK Foreign, Commonwealth, and Development sa ilalim ng Global Future Cities Initiatives Program.

Ilan sa mga organisasyon na nakausap ng delegasyon ng Pilipinas ang Department for Business and Trade , UK Export Finance, Infrastructure and Projects Authority, Transport for London, at Crossrail International. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na makausap ang ilang private-sector investors sa larangan ng infrastructure at real estate.

About Author

Show comments

Exit mobile version