15% Sr. Discounts sa tubig, kuryente

0

GOOD news sa senior citizens!
Nakapasa na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang gawing 15 percent ang
diskwento ng senior citizens sa kanilang bills sa kuryente at tubig.


Ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes, tanging ang seniors na may
kunsumo sa koryente na hindi hihigit sa 100 kilowatt-hour bawat buwan at 30 cubic meters sa
tubig ang mabibigyan ng diskwento.


Para makinabang sa diskwento, kailangang ang water at electric bills ay nakapangalan sa senior
citizen.


Nilinaw ni Ordanes na hindi pasok sa diskwento ang value-added tax na nakapaloob sa bills sa
kuryente at tubig dahil sa malaki raw ang mawawalang kita sa gobyerno.


Ayon pa kay Ordanes, “The original proposal in substitute bill consolidating 8 bills was 10%
discount, but this was increased to 15% after it was conceded that the proposed value added tax
(VAT) exemption would result in about P3.1 billion in revenue losses for the national
government, so the VAT exemption was dropped and the discount was raised to 15%.”

Kapag naisabatas na ito, madaragdagan ang matitipid ng senior citizens sa kanilang bills na
magagamit nila sa pambili nang pagkain o maintenance medicines.

About Author

Show comments

Exit mobile version