Nasungkit ng isang mananaya mula sa Rizal ang jackpot prize na ₱56,638,411 sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO).
Masuwerteng nahulaan ng bettor ang winning combinations na 38-20-19-04-16-40.
Nabili ang lotto ticket sa isang outlet sa Candelaria, Froilan P. Lotto outlet sa Pililla.
Wagi naman ng ₱24,000 ang 45 players, habang 2,323 mananaya naman ang nakakuha ng ₱800.
Samantala, nananatiling mailap sa mga mananaya ang ₱82,751,259 sa Ultra Lotto 6/58, gayundin ang ₱27,176,287.80 sa Super Lotto 6/49 matapos walang makakuha ng winning combinations.
Pinapayuhan naman ng PCSO ang mga mananaya na ingatan ang kanilang mga ticket at bumili lamang sa mga authorized lotto outlet.
Related Posts:
Terorista: Cong. Teves, 12 iba pa
Pekeng PWDs, imbistigahan — Romualdez
3-anyos nailigtas sa landslide pagkalipas ng 60 oras
Vloggers na nagkakalat ng fake news tuldukan na - Tulfo
Malinis na tubig, mahalaga lalo na kung may El Niño – Poe
3,733 trabaho dinumog ng mga job seeker sa SM Grand Central
Ayuda ng DSWD para sa mga taong kalsada, kasado na
Alden, hindi pupunta sa kasalang Arjo-Maine?
About Author
Show
comments