Dry run ng toll collection interoperability, sinimulan na

0

Inumpisahan na ngayong araw ang dry run para sa Toll Collection Interoperability Project.

Sa ilalim ito, pinapayagan ang mga motorista na gumamit ng isang Radio Frequency Identification o RFID sticker sa iba’t ibang expressways.

Sa ngayon ay mga piling sasakyan lamang ang magiging bahagi ng dry run, na ipapatupad sa North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Skyway, Manila-Cavite Expressway at Cavite-Laguna Expressway.

Target ng Toll Regulatory Board ang full implemetation ng naturang programa pagsapit ng buwan ng Hulyo.

About Author

Show comments

Exit mobile version