Labanan ang financial scams—Poe

SINABI ni Sen. Grace Poe na kailangan ang mas mahigpit na mga hakbang para maitigil na ang scams o panloloko para maprotektahan ang mga Pilipino habang nauuso na ang online banking at e-wallets.

“They say that there are only two certain things in life: death and taxes. Ngayon, mukhang kinakailangan na nito ng amendment: death, taxes, and scams… These fraudulent schemes and rackets have become the bane of our financial consumers,” ani Poe.

Si Poe ang isa sa sponsors Senate Bill (SB) No. 2560 o ang “Anti-Financial Account Scamming Act”, na nai-file noong 2021.

Dahil daw sa pandemic, naging palasak na ang online financial transactions kasali na ang e-wallet, pero may malaking panganib dito dahil sa pagdami ng
scammers.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Poe na may 120 e-wallet account holders ang nawalan ng pera dahil sa scammers.

Noong 2022, pang-lima ang Pilipinas sa southeast Asia na may pinakamaraming insidente ng phising attacks.

Ang phising ay isang pamamaraan—na kadalasan ay ginagawa online—para makuha ang sensitibong impormasyon ng isang tao—gaya ng bank account numbers, passwords, atbp. sa pamamagitan ng solicitation ng mga nagpapanggap na lehitimong negosyo o tao.

Sa kaparehong taon, ₱623 milyon ang nanakaw dahil sa fraud, ₱623 milyon sa phishing at ₱409 milyon sa identity theft.

“Ngayon naman, hihigpitan natin ang seguridad ng ating mga financial accounts tulad ng GCash, Maya, online banks, pati mga e-wallets ng mga pinakagamit na apps tulad ng Shopee, Lazada at Grab,” pagtatapos ni Poe.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...