12 Years hard labor dahil sa Korean drama

0

DALAWANG North Korean teenagers ang naparusahan ng 12 taong hard labor matapos na sila’y mahuling nanonood ng ilang South Korean drama.

Sa isang nag-leak na video, mapapanood ang dalawang 16-anyos na North Korean students na nakaharap sa paglilitis sa isang outdoor stadium. Nasa likod nila ang ilang mga ka-edad nila na nanonood na proseso. Pagkatapos, makikitang ipinosas ng mga pulis ang dalawang kabataan.

Sa ulat ng ABS-CBN News, pinarusahan ang dalawang kabataang estudyante dahil sa pamamahagi at panonood ng pelikula, drama, at music video mula sa South Korea.

Ang video na “Puppet Regime” na ginawa noong 2022, ay ipinakakalat sa North Korea para babalaan ang mga mamamayan na bawal manood o tumangkilik, magpuslit ng anomang entertainment videos mula sa South Korea. Bukod sa hard labor, pwede pang maparusahan ng kamatayan ang mga mahuhuli.

Ang sentensyang 12 years hard labor ay may mabigat kaysa karaniwang limang taong parusa sa mga kabataang ipinadadala sa youth labor camps para magtrabaho.

Dahil sa sobrang higpit nang pagpapatupad ng pagbabawal, bihirang kumalat ang video sa bansang ito na nagpapakita ng labis na kahirapan sa North Korea at ang mapaniil na pamumuno ni Kim Jong Un, na ayon sa Western press ay pinatatakbo ang kanyang bansa na parang isang kulto.

About Author

Show comments

Exit mobile version