“International campaign” ni VP Sara para sa pansamantalang paglaya ni PRRD wa epek—Conti

‘WA EPEK’ o walang saysay umano ang isinasagawang “international campaign” ni Vice President Sara Duterte upang mapalaya pansamantala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaditine nito sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Cristina Conti, National President ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) at Assistant Counsel to the ICC, sa ‘The Agenda’ media forum sa Club Filipino, San Juan City, kaninang umaga.

Inurirat kasi ng mga mamahayag si Conti kung ano ang magiging epekto ng panawagan ng Pangalawang Pangulo matapos umanong tanggihan ng bansang Belgium ang kahilingan ng dating pangulo na doon na lamang siya ilipat at pansamantalang ikulong.

“Batay sa aming rekord, wala pang bansa ang interesado na tumanggap bilang ‘host country’ sa kahilingan ng dating pangulo dahil nga tumanggi ang bansang Belgium. [Isa pa,] there’s no such thing as ‘audience effect,’” ang pahayag ni Conti.

Sa pinakahuling ulat, napili ng dating pangulo ang bansang Australia kapalit ng Belgium ngunit tumanggi rin umano ito sa kahilingan ni Duterte bilang “third country.”

Matatandaan na tinutulan ni Conti at ng mga taga-usig ang kahilingang ito ng dating pangulo na nahaharap sa kasong ‘crimes against humanity’ kaugnay sa naging kampanya nito laban sa ilegal na droga.

“Hindi na bago sa ICC ang kahilingan ng mga nakakulong ng pansamantalang paglaya, na maaari namang ipagkaloob kung ang akusado ay hindi “flight risk,” subalit, kaya nga inaresto ang dating pangulo on the grounds of flight risk,” saad pa ng abogada.

Dagdag pa ni Conti, “may mga ikinulong na at pinagkalooban ng ICC ng pansamantalanag paglaya dahil magagaan lang na mga kaso ang kinakaharap ng mga akusado sa ilalim ng Article 80 ng Rome Statute, at handi aniya makakahadlang at magsasapanganib sa magkabilang partido at hindi na makagawa ng karagdagan o ibang kahalintulad na kaso.”

Sinabi pa ni Conti na sa kaniyang karanasan, may dinidinig ang ICC kahit 80 anyos na basta’t kakayanin pa ng akusado na dumalo sa nasabing korte.

“Ang pansamantalang pagpapalaya ay posible pero on a “case-to-case basis” tulad ng ‘hospital arrest,’ o kaya ang tinatawag na ‘Mandela Standard’ na may 3-meter by 3-meter detention cell,” dagdag pa ng ICC counsel.

Ayon pa kay Conti, may mga karapatan din ang mga nakakulong bagama’t ang pasilidad ay hindi maituturing na isang hotel ngunit isa itong matatawag na “bread and breakfast” hostel, may gymnasium, library, at internet na may security check.

“Posibleng may maaaresto pang Pilipino na sangkot sa kaso habang umuusad ang pagdinig ng ICC kung saan dapat ipakita ng Pilipinas ang kooperasyon at kailangang suportahan,” pagtatapos ni Conti.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...