VIRAL VIDEO: LGBTQ na nanakit ng bata, arestado ng Taguig PNP

ARESTADO ang isang miyembro ng LGBTQ matapos mahuli ng mga tauhan ng Taguig City Police Station kaugnay sa isang viral video ng pananakit ng bata sa Sitio Buyo, Brgy. Western Bicutan, Taguig City, 12:30 ng madaling araw, Mayo 18, 2026.

Kinilala ni PCol. Julius Añonuevo, chief of police ng Taguig CPS, ang suspek na si alyas Carla, 28 anyos, tubong Bacolod City, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nag-away umano ang ka-relasyon nito na ina ng bata at ang lasing suspek at nang maawat ng mga kapitbahay ay sa bata nito ibinunton ang galit.

Sapul sa video ang ginawang pananakit sa bata na nakunan nang palihim ng isang nagmamalasakit na kapitbahay na agad nagsumbong sa barangay at mga pulis.

Dinala ang batang biktima sa Taguig-Pateros District Hopsital at agad na nilapatan ng pangunang lunas at iba pang pagsusuring medikal.

Agad na tumakas ang suspek ngunit natunton ito ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation at nahuli bandang alas-3 ng hapon ng araw din na iyon.

Nasa kustodiya na ng Taguig PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinabi ni PBGen. Oliver Cinco, district director ng Southern Police District, na hindi sila magdadalawang-isip na kumilos agad laban sa sinumang mananakit ng bata.

“Mabilis nating tutugunan ang ganitong uri ng insidente upang mapanagot ang mga responsable at maprotektahan ang kapakanan ng ating mga kabataan,” dagdag pa ni Cinco.

IBA PANG BALITA

44 lugar sa bansa pasok sa danger-level heat index

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan sa 44 lugar sa bansa ang init na magsasapanganib sa buhay (danger-level...

Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

ARESTADO ang isang 38-anyos na construction worker matapos itong makilala sa isang CCTV footage kung saan makikita kung paano nito binigti ang isang patay...

Alan Peter Cayetano inihalal na bagong pangulo ng Senado

NABULAGA hindi lamang ang mayorya kundi lalo na si Senador Tito Sotto nang mag-mosyon si Senador Alan Peter Cayetano na bakantehin ang lahat ng...

10,000-person task force para hulihin si Bato binuwag ng DILG

BINUWAG na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang binuo nitong 10,000-katao na Task Force para arestuhin si Sen. Ronald “Bato”...

Marikina LGU pinarangalan sa HR management

BINIGYAN ng komendasyon ng Civil Service Commission (CSC) ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina dahil sa kahusayan sa pangangasiwa sa mga kawani...