P2P shuttle service para sa mga estudyante ng La Salle Greenhills umarangkada na

UMARANGKADA na ang “AnimoExpress,” ang point-to-point (P2P) shuttle service para sa mga estudyante ng La Salle Greenhills (LSGH) sa pakikipagtulungan ng Ortigas Commercial Corporation (OCC).

Lumagda sa isang kasunduan ang mga kinatawan ng LSGH at OCC nitong Oktubre 17, 2025 kung saan layon nitong maging maayos at ligtas ang transportasyon ng mga mag-aaral.

Kalakip sa inisyatibang ito ang pagtatalaga ng mga lugar na magsisilbing loading at unloading bays na tatawaging “Think Space.”

Ang nasabing mga istasyon ay matatagpuan sa Tiendesitas at Promenade at magsisilbing holding area. Ito ay para sa mga estudyante mula Grade 7 hanggang 12.

Isa pa sa layunin ng kolaborasyong ito ay upang maibsan ang matinding trapiko sa kahabaan ng Ortigas Avenue sa Greenhills sa San Juan City kung saan umaabot sa puntong usad pagong na ang daloy ng mga sasakyan.

Saksi sa nasabing kasunduan sina Carmela Boncodin, LSGH Vice President for Academics and School Principal; John Zablan, Head Administrator, LSGH Safety and Security Office; Jacqueline Kumar, LSGH Parents Association (LSPA) Secretary; Rowena Sumera, LSGH Parents Association (LSPA) Vice President; Alexander Vladimir Osias, LSGH Parents Association (LSPA) Treasurer; Marxist Pearl Nanquil, LSGH Parents Association (LSPA) President at Enrique Vincent Salazar, LSGH Parents Association (LSPA) Students Health and Other School Services Committee Head.

Naroroon din sina Col. Edison “Bong” Nebrija, MMDA-Swift Traffic Action Group (STAG); Emmanuel Bautista, LSGH Executive Vice President; Br. Edmundo Fernandez FSC, LSGH President; Arch. Renee Bacani, Vice President and Head of the Ortigas Malls Division; Marianne Orosa and Dr. Louie Orosa, Greenhills East Village Association Representative; James Candelaria, AVP, GH Mall Operations, mga kinatawan ng School Bus Operator at Evangeline Ordoño, President.

Magtutulungan ang LSGH at OCC sa responsibilidad tulad ng pangangasiwa, usaping kaligtasan at operasyon ng programa kung saan pinasimulan ito noong Oktubre 1, 2025 hanggang Abril 30, 2026 na may opsyon na i-renew.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...