Cayetano: ‘Napaglalaruan tayo’

“NAPAGLALARUAN tayo and I am fed up with being played around with.”

Ito ang mariing sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kaugnay sa pahayag ng kauupo pa lamang na Ombudsman at dating secretary of justice na si Jesus Crispin “Boying” Remula matapos ang pahayag ng huli na muli nitong bubuhayin ang kaso ni Sen. Joel Villanueva.

Ayon sa senador, ang tinutukoy ni Remulla na naging kaso ni Villanueva ay ang may kinalaman sa pork barrel scam kung saan naglabas ng dismissal order ang noo’y Ombudsman na si Conchita Carpio Morales taong 2016.

Matatandaan na nasangkot sa kontrobersya si Villanueva kaugnay sa maling paggamit umano ng kaniyang 2008 Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong ito ay kongresista pa ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist.

Sinabi pa ni Cayetano ma hindi aniya dapat magpalinlang at magpagambala ang senado o ang publiko mula sa pinakamahalagang isyu ng korapsyon na ayon sa kaniya, ito ay maaaring hindi lang sinasadya ng isang staff ng Ombudsman.

Batay sa record ayon sa senador na-dismiss na noong 2019 ang nasabing kaso nang ipinagkaloob ng dating Ombudsman na si Samuel Martires ang motion for reconsideration ni Villanueva.

“Klarong-klaro po iyan. Wala siyang (Remulla) isusulat sa Senate President sapagkat na-dismiss na y’ung kaso na yan,” sabi pa ni Cayetano.

Kaya nananawagan si Cayetano sa publiko na dapat aniyang tutukan ang isyu sa kung sino ang mga mastermind ng korapsyon at kailangang panagutin sa halip na magambala sa ingay ng pulitika.

Lumalabas, sabi pa ng senador na dina-divert aniya ng pamahalaan ang kampaniya nito laban sa korapsyon tungo sa isang “circus” sa halip na tukuyin kung sino ang nakinabang dito.

“Eyes on the ball tayo, liligawin tayo ng mga mastermind,” giit pa ng senador sa panayam ng mga mamahayag nang dumalaw ito sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City Jail nitong Huwebes bago ang kaniyang kaarawan.

“Hindi sustainable y’ung paraan kung paano natin na-aaddress ang massive corruption. We have to be decisive, kailangan may major reforms, tunay na pagbabago. Kailangan may makulong,” dagdag ni Cayetano.

Hinimok pa ng senador ang mga Pilipino na maging mapagbantay at nakapokus sa isyu na dapat may mananagot kaakibat ng gagawing reporma sa halip na ginagawang political drama ang usapin sa korapsyon.

“Hindi ako tumanda sa public service at pulitika para paglaruan ng mga corrupt. Let’s not be distracted. Ang tunay na laban ay laban sa mga mastermind, hindi sa mga palabas,” giit pa ni Cayetano.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...