Home Crime & Police Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

0
Ang patay nang pusa na ibinitin sa isang public plaza sa Pasig City. (Contributed photo)
Advertisement

ARESTADO ang isang 38-anyos na construction worker matapos itong makilala sa isang CCTV footage kung saan makikita kung paano nito binigti ang isang patay na pusa sa Barangay Santolan, Huwebes ng umaga.

Mapapanood sa video na dinala ng lalaki ang pusang patay na at ibinitin sa isang poste na nasa loob ng isang pampublikong parke at kalaunan ay nadiskubre ng isang traffic enforcer ang bangkay ng pusa.

Agad nitong ipinaalam sa Barangay Santolan Animal Control Office na nakipag-ugnayan naman sa Barangay Security Force at kalaunan ay natukoy at nadakip ang salarin.

Ang hindi pinangalanang suspek ay kasalukuyan nang nakakulong sa custodial facility ng Pasig PNP para sa kaukulang mga proseso.

Advertisement

Sasampahan ang suspek ng kasong kriminal na kung mapapatunayang nagkasalang kalupitan, pagpapabaya o pagbibigay ng hindi kinakailangang pagpapahirap sa mga hayop.

Inaalam pa ng otodidad kung pinatay muna ng salarin ang pusa bago ibinitinsa public plaza o apatay na nang dalhin ito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10631 o ang Amended Animal Welfare Act of 1998, ang mga mapapatunayang nagkasala ng animal cruelty ay maaaring maharap sa pagkakakulong at mabigat na multa.

Advertisement
Show comments
Exit mobile version