6 warehouse staff kulong sa QC

Nasakote ng Quezon City Police ang anim na warehouse at delivery staff matapos mabuking sa pagnanakaw sa kanilang pinagtatrabahuang kumpanya sa Quezon City.

Ayon kay PLtCol. Resty Damaso, Station Commander ng Masambong Police Station (PS 2), inaresto ang anim na warehouse at delivery staff ng Optimum Prime Industrial.

Nakilala ang mga suspek na sina Wilfredo Datalio, 42-anyos, residente ng Sta. Maria, Bulacan; Dexter Bation, 29-anyos ng  Heroes Del 96, Caloocan City; Zaldy Pajanusta, 36-anyos ng Brgy. Bungad, Quezon City; Rommel Camprecio, 32-anyos ng Brgy. 176, Caloocan City; Jason Carabaña, 45-anyos ng Brgy. 51, Tondo, Manila; at Jerome Obal, 22-anyos ng Brgy. 28, Caloocan City.

Nabatid na ang anim na inaresto ay nagtatrabaho bilang warehousemen, delivery drivers, at delivery helpers sa Optimum Prime Industrial Sales at inaresto noong Biyernes ng umaga matapos  mabuking na nagsasabwatan sa nawawalang 13 kahon ng assorted construction materials na nagkakahalaga ng P65,800.00.

Nabuking sila sa kanilang kilos nang mapansin ng checker at lady guard on duty ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek.

Agad na ini-report ng dalawa sa PS2 ang nangyaring insidente at agad na hinuli.

Kinasuhan ang mga suspek ng Qualified Theft sa Quezon City Prosecutor’s Office

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...