Most Wanted Person sa Valenzuela, arestado

kulungan ang bagsak ng isang lalaki na wanted sa kasong pangagahasa matapos madakip sa inilunsad na manhunt operationsa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado sa alyas “James”, 26-anyos, residente ng Brgy. Canumay West ng lungsod.

 Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, naglunsad ang mga tauhan ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista ng intensified manhunt operation kontra sa wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado bandang 1:30 ng hapon sa 60 Kaypandan Street, Barangay Canumay West.

Ang akusado ay inaresto  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Regional Trial Court, Branch 172, Valenzuela City noong October 12, 2023, para sa kasong Rape under Art. 266-A (1)(D) of the RPC, as amended by R.A. 11648 in rel. to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Child Abuse Law.

 Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Costudial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabs ng commitment order mula sa korte.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...