Indonesian President Joko Widodo, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

KASADO na ang official state visit sa Pilipinas ni Indonesian President Joko Widodo sa darating na January 9 hanggang 11.

Ayon sa Presidential Communications Office, inaasahan na magiging sentro ng pagpupulong nina PBBM at President Widodo sa January 10 ang pagsusuri sa progreso ng ugnayan ng magkabilang panig, na bunga ng matagumpay na pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia noong September 4 hanggang 6, 2022. 

Sinasabing iikot din ang diskusyon sa pagpapatibay ng pangako ng dalawang lider na palalimin at palawakin pa ang ugnayan ng dalawang ASEAN countries.

Ang tatlong araw na state visit ni Widodo ay magaganap ilang buwan bago ang ika-75 anibersaryo ng opisyal na ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Indonesia sa Nobyembre ngayong taon.

Maliban dito, inaasahang mas palalakasin din ng pagpupulong ang bilateral na ugnayan ng dalawang bansa na magbubuklod sa patuloy na kooperasyon sa mga darating na taon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...