Dapat linawin ang sakop ng ating maritime zones -Tolentino

0

SINABI ni Senador Francis Tolentino noong Huwebes na dapat linawin ang sakop na ating
Philippine maritime zones para lubos na makinabang ang mga Pilipino sa ating yamang-dagat.


Sa unang pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones na
pinangunahan ni Tolentino, sinabi niya, “Hindi po malayo sa sikmura ang kawalan ng maritime
zones ng Pilipinas. Leaving the Philippine maritime zones largely undefined will slow our ability to
responsibly exploit and develop our resources.”


Ipinaliwanag niya na ang bansa ay patuloy na nag-aangkat ng isda, samantalang may malaking
potensyal sa yamang-dagat ang pinag-aagawang teritoryo na sakop ng ating exclusive economic
zone.


“The West Philippine Sea has almost 40 percent of the maritime domain, but accounts only for 6.36 percent of the total fisheries production of the country in 2022,” saad ni Tolentino.


Idiniin pa niya na ang nabanggit na bahagi ng karagatan ay may malaking potensyal para
mapagkunan ng renewable energy, sa harap nang mataas na presyo ng kuryente sa bansa.


Ang pagdinig ay naglalayung isa-pinal ang mapa ng Pilipinas na magagamit bilang legal na
basehan para patunayan na sa atin ang pinagtatalunang teritoryo.


Samantala, ayon sa BraboNews research, ang Murillo Velarde map noong 1734 ay kasama sa 270
mapa na ginamit ng ating pamahalaan para manalo sa Permanent Court of Arbitration sa The
Hague, Netherlands noong 2016. China lamang ang tanging bansa na hindi kumikilala sa arbitral
ruling, pero halos ang buong mundo ay kinikilala na ang Pilipinas ang tanging may karapatan sa
200-mile exclusive economic zone sa loob ng West Philippine Sea.

About Author

Show comments

Exit mobile version