TVJ, fan daw ng GMA7?

FANS nga ba ng mga taga-GMA7 sina Tito, Vic, at Joey?


Ito ang biro ng ilang netizens matapos nilang madiskubre noong unang linggo ng Agosto
na nasa website pa rin ng network ang larawan nina TVJ.


Saka lamang inalis ang larawan matapos mag-tweet si Tito ng “Look! GMA website as of
yesterday. Kami talaga!”


Naka-post din sa tweet ang screenshot ng GMA ng webpage na kung saan makikita ang
larawan ng tatlo. Ito ay naka-post pa rin lahit na nag-resign na ang TVJ noong Mayo
31, 2023 hanggang August 10, na kung saan saka lang inalis ang litrato.


Magmula Agosto 11, tanging Eat Bulaga na lang ang makikita.


Ang tanong tuloy ng ilang orig na Dabarkads fans, bakit daw nang natapos na ang
mahigit dalawang buwan ay saka lang inalis?


Siguro, baka nalimutan lang ng GMA7 na alisin o baka fan ng TVJ ang web
administrator ng network.

Inaasahan ng fans nina Isko Moreno, Paolo Contis, atbp. na ipapalit na ang bagong
litrato ng kanilang grupo sa Eat Bulaga webpage.


Samantala, wala pa ring reaksyon si Contis sa balak ng dating partner nito, ang ex-EB
Babes Lian Paz na palitan ang apelyedo ng mga anak nila na sina Xalene at Xonia ng
“Cabahug”. Ang dalawang bata raw mismo ang humiling nito kay Paz.


Matatandaang sinabi ni Lian sa Rose Garcia Fab vlog interview na wala raw sustento si
Contis sa mga anak nito magmula nang naghiwalay sila noong 2011.


Ayon sa isang netizen, isa raw mariing sampal ito kay Contis na ang kanyang mga
biological children ay magiging “Cabahug” na. Nag-ugat daw ito dahil sa pagiging
iresponsableng ama ni Contis, kahit na inangkin nito sa isang interview ni Boy Abunda
na “mahal na mahal” niya ang mga anak.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...