KAHIT na umalma at ipinagbawal ng Vietnam ang pelikulang Barbie ng Warner Bros. dahil sa
pagpapakita ng kontrobersyal na “Nine dash line” na mapa sa pelikula, wala namang umaalma sa
ganda at talino ni Dr. Audrey Sue Cruz, isang Pinay na internist sa Las Vegas, Nevada.
Ang super-gandang doktora ang kaunaunahang Pilipino na naging model ng Barbie doll, na ginawa
noong pandemic.
Ang Mattel Inc. ang maygawa ng Barbie doll ang nakapansin sa kontribusyon ni Cruz sa larangan ng medisina, partikular ang masipag at walang-takot na pagtatrabaho nito para gamutin ang mga may Covid-19.
Ayon kay Audrey, hindi raw siya makapaniwala na siya ang naging modelo ng Barbie doll.
Sa kanyang social media post, “So excited to finally share the news! Can’t believe I’m actually writing this.
I’ve been made into a @Barbie doll!” (Excited ako, hindi ako makapaniwala nang ginawa akong
Barbie doll!) paglalahad ni Audrey.
Unang nagbigay-saya si Barbie sa mga batang babae noong Marso 9, 1959, na ibinenta sa US$3.
Magmula noon, mahigit isang bilyong piraso ng Barbie dolls na ang patuloy na nagpapasaya sa mga batang babae sa buong mundo.
Pinaka-iconic at kakaiba ang Sue Barbie doll dahil nakasuot doktor ito at brown ang kulay ng kanyang balat. Nagbibigay-aliw ito sa mga batang maysakit magmula
noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.