P300-M, talent fee nina TVJ at Dabarkads

0

KALAT NA KALAT ngayon sa social media ang balitang umabot daw sa P300 milyon ang inilabas ni TV5 big boss Manny V. Pangilinan para sa inisyal na talent fee nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng buong Dabarkads.


Ayon sa showbiz reporter at TV host na si Cristy Fermin, “Nang pumasok po ang Tito, Vic and Joey, at ang Dabarkads sa TV5 naglabas po ng ilang daang milyon si Sir MVP bilang paunang bayad, ang tawag kasi diyan kapag bibili ka ng bahay, earnest money… Ipagpalagay na naglabas si Sir MVP ng P300 milyon, kayang-kaya.”


Kung totoo ngang ganito kalaki ang talent fee ng E.A.T. na grupo, tiyak na hahabulin sila ng BIR kapag hindi sila magbabayad ng tamang buwis next year, ayon sa isang netizen.


Samantala, napabalita noon na isinoli raw ni Sharon Cuneta ang malaking bahagi ng dalawang bilyong pisong down-payment sa kanya dahil na-tsugi daw ang kanyang programa sa TV5.

About Author

Show comments

Exit mobile version