Poe, kinondena ang NGCP dahil sa Panay Island blackout

0

“Hindi katanggap-tanggap na nangangapa na naman sa dilim ang ating mga kababayan
sa Panay Island,” ito ang opisyal na pahayag ni Senador Grace Poe, kahapon.


Dapat daw gumawa kaagad ng paraan ang Department of Energy (DoE), National Grid
Corporation of the Philippines (NGCP), at iba pang ahensya ng gobyerno para agad na
masolusyonan ang patuloy na blackout sa Panay Island.


“Kawawa ang mga nasa bahay, mga estudyante, negosyo at maging ang operasyon ng
lokal na pamahalaan,” ani Poe.


Dapat daw naging eye-opener ang blackout na naganap sa isla noong Abril 2023, at
kaagad itong sinolusyunan ng NGCP.


“They should have been better prepared for any system disturbance and avert such
with efficient planning and utilization of resources… Dapat may managot sa
panibagong blackout na ito na nagpapahirap sa mga tao,” pagtatapos ni Poe.

About Author

Show comments

Exit mobile version