Pinag-iingat ng Department of Health ang publiko kaugnay sa mga pekeng loan centers na iniuugnay sa Malasakit Program Office.
Ibinahagi ng kagawaran sa kanilang official Facebook page ang screenshot ng facebook page na “Malasakit Center Loan Assistance,” na mayroong 1,100 followers.
Nilinaw ng DOH na peke ang naturang page at hindi rin ito konektado sa kanila.
Nagbabala naman ang kagawaran na maghahain sila ng mga kasong kriminal laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pekeng page kung magpapatuloy ang mga post na may kaugnayan sa mga maling impormasyon.
Samantala, hinimok din ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng mga impormasyon mula sa mga legitimate sources at platforms.
Related Posts:
Magsuot ng face mask – Sen. Go
Red Cross tumulong para kalusin ang dengue
Mga estudyanteng naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol, tinulungan ng Red Cross
Magnitude 5.9 na lindol, yumanig sa Lubang Island
DSWD-NCR nakatanggap 15 colored printers mula sa PINOY AKO Partylist
530,000, Hinuli ng LTO noong 2023; 4-M Plastic driver’s license, gugulong na
Magkasabay na pagboto sa Cha-cha, maling-mali — Poe
Kulong sa opisyales ng PCG, MARINA -Tulfo
About Author
Show
comments